Velasco, Cayetano bati na

Ito ang kinumpirma ni Speaker-elect Lord Allan Velasco sa pagbubukas ng special session kung saan ito mismo ang nag-preside at ipinaabot sa mga Kongresista ang magandang balita.
Boy Santos

MANILA, Philippines  — Matapos ang ilang linggong girian at patutsadahan ay nagkabati na ang magkaribal na sina Speaker-elect Lord Allan Velasco at Taguig Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Ito ang kinumpirma ni Velasco sa pagbubukas ng special session kung saan ito mismo ang nag-preside at ipinaabot sa mga Kongresista ang magandang balita.

Sinabi ni Velasco na nagkasundo na sila ni Ca­yetano matapos naman silang ipatawag sa Palas­yo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Velasco, mabigat man ang pinag­daanan ng Kamara dahil sa mga nakalipas na kaganapan ay naisaayos din ito sa bandang huli.

Kasabay nito, ipina­abot din ni Velasco ang pakikipagkasundo sa iba pang mga Kongresistang solidong kaalyado ni Cayetano na hinimok nitong magkaisa, palakasin ang Kongreso at ipakita sa taumbayan na sila’y mga kagalang-galang.

Samantala, mabilis na na-appoint kahapon bilang Chairman ng Committee on Accounts si Presidential Son at Deputy Speaker Paolo “Pulong” Duterte.

Si Pulong ang haha­lili sa puwesto na dating hawak ni Cavite Rep. Abra­ham “Bambol” Tolentino.

Kabilang sa inihain ni Rep. Duterte ang House Bill No. 7569 o “Minimum Wage for Nurses in the Private Sector Act of 2020.”

“Trabaho lang tayo. Ano man ang dumating. Focus ko ay laging nasa mamamayan at bansa,” maikling pahayag ng Pre-si­dential Son. 

Show comments