MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas na kasali sa mabibigyan ng 60-araw na palugit ang pagbabayad sa mga inutang na appliances sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, bukod sa mga appliance loans, kasama rin ang emergency loan, at provident fund loan bagaman at hindi nakasama sa inilabas nilang memorandum na para lamang sa mga BSP-supervised institutions.
Ayon kay Diokno, sakop ng 60-day grace period ang lahat ng uri ng utang na hindi dapat patawan ng interes.
Nilinaw din ni Diokno na hindi na kailangang mag-apply o mag-request sa mga BSP-supervised financial institutions ang mga borrower para magamit ang one-time 60-day grace period.