Makakasira sa mga concrete barrier sa EDSA pagbabayarin
MANILA, Philippines — Pagbabayarin ang sinumang motorista na matutukoy na makakasira ng concrete barriers na nakalatag sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay Celine Pialago, spokeperson at Assistant Secretary ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kailangang bayaran ang masisirang concrete barrier dahil bawat isa nito ay nagkakahalaga ng P6,900.00.
Sa kaunting pinsala lamang, maaaring P500 lang para sa pagpapaayos nito, ang pababayaran sa motoristang responsable.
Paliwanag ni Pialago, ginagamit lamang na dahilan ang mga barrier sa mga disgrasya sa daan gayung ang kanilang katigasan ng ulo sa pagmamaneho ang tunay na rason.
“If only they will follow the speed limit, there will be no problem. Also, they should not be driving while they are under the influence of alcohol,” aniya.
Samantala, sisimulan na sa Lunes ng susunod na linggo ang pagsasara ng U-turn slots sa Edsa upang bigyang-daan ang EDSA bus carousel program.
Nilagyan na ng MMDA ng signs at markings ang 12 U-turn slots na ipasasara na maaapektuhan sa pagtatalaga naman ng 16 bus stops sa EDSA mula Balintawak hanggang Pasay.
- Latest