^

Bansa

Duterte pinag-iisipang buwagin o isapribado ang PhilHealth — Sotto

Philstar.com
Duterte pinag-iisipang buwagin o isapribado ang PhilHealth — Sotto
Litrato nina Senate President Vicente "Tito" Sotto (kaliwa) at Pangulong Rodrigo Duterte (kanan) sa kanilang pulong kahapon, ika-16 ng Setyembre, 2020
Presidential Photos/King Rodriguez

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga kontrobersiya, isiniwalat ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na kinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang buwagin o ibigay sa kamay ng pribadong sektor ang state-owned health insurer na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang isiniwalat ng pinuno ng Mataas na Kapulungan ng Konggreso, Huwebes, matapos makipagkita ni Duterte kina Sotto at House Speaker Alan Peter Cayetano kahapon sa Malacañang.

"Sinabi niya [Duterte] na gusto niyang i-abolish o isapribado ang PhilHealth," wika ni Sotto kanina.

"[B]ut I said it might be better to wait a few months and see how the new admin performs."

Tinutukoy niya ang leadership ng bagong-talagang PhilHealth President at CEO Dante Gierran, na noo'y nagsisilbi sa National Bureau of Investigation (NBI). Una nang ipinaliwanag ng Palasyo ang desisyon nito kay Gierran sa dahilang makatutulong siya sa pagsipat ng katiwalian at pag-asikaso ng insurance bilang accountant at abogado.

Agosto pa lang ay inhain na ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang House Bill 7429, na naglalayong isapribado ang ilang sangay ng PhilHealth sa layuning maging mas epektibo ito sa pagseserbisyo.

Lunes nang aprubahan pa lang ni Digong ang pagkakaso graft, malversation of public funds, atbp. pa kina dating PhilHealth chief Ricardo Morales at iba pang opisyales ng ahensya kaugnay ng diumano'y korapsyon — na maaaring umabot na raw sa P100 bilyon, ani presidential spokesperson Harry Roque.

May kaugnayan: Bagong hepe ng PhilHealth, na dating taga-NBI, walang alam sa public health

Basahin: Duterte ipinahahabla sina Morales, iba pang Philhealth execs

Habang nasasangkot sa nasabing kontrobersiya, matatandaang nagbitiw sa PhilHealth si Morales dahil sa iniindang lymphoma, na isang uri ng cancer.

DOF sa PhilHealth

Samantala, pumayag naman daw si Duterte sa mungkahi ni Sotto na pamunuan na lang ng secretary ng Department of Finance (DOF) ang board ng PhilHealth kaysa kay Health Secretary Francisco Duque III.

Aniya, nakalakip ang proposal ng senador sa inihain niyang Senate Bill 1829 noong Lunes, bagay na aamyenda sa Section 13 ng Universal Health Care Law.

"I explained that PhilHealth is an insurance corp and not a Health entity," paliwanag ni Sotto.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang kwestyonin ni Sotto ang desisyon ng pangulo na 'wag isama si Duque sa mga pakakasuhan ng gobyerno, gayong siya ang tumatayong chairperson ng PhilHealth. — James Relativo

ALAN PETER CAYETANO

PHILHEALTH

PRIVATIZATION

RODRIGO DUTERTE

VICENTE SOTTO III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with