Kalagayan ng power system sa Iloilo City tampok sa PAPI report
MANILA, Philippines — Isang special report ang inilabas ng Publishers’ Association of the Philippines(PAPI), ang pinakamalaking media group sa bansa na kinabibilangan ng mga publishers, na nagpapakita ng tunay na sitwasyon ng power system sa Iloilo City sa ilalim ng dating power supplier na Panay Electric Company (PECO) gayundin ang pagbabago na sa lungsod.
“We took interest on the issue because it involves the interest and welfare of Ilonggo power consumers, which is really the most affected sector in this controversy. We looked at the issue and knew right away that we need to do something to ferret out the truth regarding this matter,” paliwanag ni PAPI President Nelson Santos na miyembro rin ng Presidential Task Force on Media Security.
Kabilang sa tinalakay sa report ng PAPI ang naging basehan sa pagkansela ng Kongreso sa legislative franchise ng PECO at ang pagsasampa nito ng ibat ibang kaso sa korte at Energy Regulatory Commission (ERC) para mapigilan ang pag-ooperate ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp. (More Power).
Kasama din sa naturang report ang naging takbo ng operasyon ng More Power mula nang magtake over ito bilang power supplier ng Iloilo City noong Pebrero 2020 at ang mga nagawa na nito sa loob ng maikling panahon.
Ayon kay Santos sa resulta ng kanilang ginawang investigative report ay pabor sila sa naging desisyon ng Kongreso na bawian na ng legislative franchise ang PECO dahil na rin sa mga umano’y violations nito at mababang kalidad na serbisyo na ibinibigay nito bilang utility operator.
“Aside from winning the support of just about all sectors of the community—city officials, church leaders, business groups, consumer advocacy groups, etc. We are convinced that More Power is doing everything to ensure a much better relationship with the community it serves,” paliwanag ni Santos.
Ang investigative report ng PAPI ay maaaring mabasa sa http://www.papi.com.ph/wp/all-the-fuss-about-peco-and-whats-more-with-more-power/.
- Latest