^

Bansa

'Sayang': Kumpiskadong laptops, tablets at cellphones sa Bilibid, pinagmamartilyo't bulldozer

James Relativo - Philstar.com
'Sayang': Kumpiskadong laptops, tablets at cellphones sa Bilibid, pinagmamartilyo't bulldozer
Kuha ng mga laptop, tablet, cellphones, pocket WiFi at iba pang kagamitang elektronikong pinagwawasak sa compound ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) compound
Video grab mula sa Bureau of Corrections Facebook; News5/Gary de Leon

MANILA, Philippines — Libu-libong electronic gadgets — marami rito'y nakakakunekta sa internet — ang pinagsisira ng Bureau of Corrections (BuCor) sa compound ng National Bilibid Prison (NBP) kaugnay ng kanilang kampanya kontra katiwalian sa nasabing piitan.

"We have over 3,817 cellphones, 101 units [of] mobile pocket WiFi [and] 1,724 cellular phone chargers," sabi ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag sa isang talumpati, Huwebes.

"Very significant itong gagawin nating activity ngayon dahil hindi po tayo tumitigil sa gitna ng pandemic sa ating regular na trabaho sa paglilinis sa loob ng piitan."

Sabi pa ni Chaclag, sabay-sabay ginagawa ng iba't ibang kampo ng BuCor ang paninira sa mga kumpiskadong kontrabando.

Ginawa 'yan kahit 6.8 milyong magulang ang problemado dahil walang gadget ang anak na swak sa "online classes" simula ika-24 ng Agosto, ayon sa Department of Education (DepEd).

Basahin: Tech woes among top concerns for distance learning

May kaugnayan: Robredo's office seeks gadget donations for distance learning

Kasama rin sa pinagwawasak ang:

  • cellular phone headsets (70)
  • digital T.V.
  • tablet (41)
  • laptop (7)
  • powerbank (11)
  • bluetooth speaker
  • mobile-signal amplifer
  • Playstation
  • DVD players

Ang mga nabanggit ay sinasabing nakolekta ng mga awtoridad simula pa noong Disyembre 2019, bago pa man mapasok ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ang Pilipinas.

"Let the destruction begin!" saad pa ng corrections official habang tila tuwang-tuwa.

ATM | Destruction confiscated Contraband.

Posted by Bureau of Corrections - BuCor on Thursday, August 13, 2020

Nakapuslit din sa loob ang iba pang mga kontrabando gaya ng tabako at sigarilyo, na mano-manong nirolyo ng ilang inmates.

Aniya, ang operasyon ay tanda rin ng pagpapatuloy ng anti-corruption at anti-illegal drug activities sa loob ng BuCor.

Netizens nabanas

Samantala, hindi naman maiwasang manghinayang ng maraming internet users sa mga pinagsisirang gadget, lalo na't napakinabangan pa raw sana ito ng mga bata para matuto nang wala sa klase kahit laganap ang COVID-19.

"Sana binigay na lang sa mga public school students at teachers yung mga gadgets," sabi ng blogger at kolumnista na si Tonyo Cruz sa kanyang Facebook post.

Sana binigay na lang sa mga public school students at teachers yung mga gadgets

Posted by Tonyo Cruz on Thursday, August 13, 2020

Hindi naman nalalayo riyan ang reaksyon ng ilan pang nakakita sa mga paninira.

"Oh my god. Sana dinonate nalang po sa mga estudyanteng walang pambili ng laptops. Kung may anomalya man po, sana nag invest nalang ng infra para maayos. Sayang," sabi naman ng commenter na si Justin Polo sa FB.

Sa kabila niyan, pinuri naman ng ilan ang ginawa ng gobyerno lalo na't iligal na ipinupuslit daw ng mga inmate ang mga naturang gadgets kahit na dapat ay nagdurusa sa karsel.

Bagama't maraming walang pera para gadgets sa gadgets ng mga bata ngayong quarantine season, tiniyak naman ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na hindi naman kinakailangang bumili ng mga panibagong computer ang mga pamilya para sa magaganap na distance learning.

Aniya, naghahanda na rin naman na raw ng printed learning modules ang kagawaran ng edukasyon para magamit ng mga bata, na siyang dadalhin naman sa kani-kanilang mga tahanan. — may mga ulat mula kay News5/Gary de Leon

BUREAU OF CORRECTIONS

CELLPHONES

DEPARTMENT OF EDUCATION

DISTANCE LEARNING

INTERNET

LAPTOP

NEW BILIBID PRISON

NOVEL CORONAVIRUS

ONLINE CLASSES

TABLET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with