^

Bansa

DILG binira 'non-expert' critics ng motorcycle barriers, kahit delikado ito sabi ng engineers

James Relativo - Philstar.com
DILG binira 'non-expert' critics ng motorcycle barriers, kahit delikado ito sabi ng engineers
Makikitang tine-testing ni Interior Secretary Eduardo Año ang motorcycle barriers ng kumpanyang Angkas, bagay na pinahihintulutan kontra COVID-19 transmission. Wala siyang helmet sa mga litrato.
News5/Romel Lopez

MANILA, Philippines — Hindi naiwasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) na batikusin ang mga namumuna sa motorcycle barriers na aprubado ng gobyerno para sa mga umaangkas sa sasakyan, bagay na nagsisilbing pananggalang sa hawaan ngayong talamak ang coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, Biyernes, habang sinusubukan ang mga shields na idinonate ng motorcycle taxi company na Angkas.

"Karamihan dito sa mga pumupuna, mga motorcycle enthuisiast... May angkas sila, pero hindi naman misis nila 'yung angkas nila. That's the reality," ani Año, na makikitang walang helmet habang tine-testing ang shield.

"Ang kailangan dito, pag-aralan niyo 'yung isyu... Sa pandemic, 'wag mong sabihing eksperto ka, pag-aralan mo muna."

'Yan ay kahit pinag-aralan na ng mga aktwal na eksperto mula sa Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) ang mga nasabing motorcycle shields, at sinabing may negatibong ambag sa kaligtasan, kalusugan, ekonomiya at kalikasan ang mga nasabing gamit.

Ika-23 ng Hulyo nang ilabas nina Jeffrey Singson, presidente ng PSME, ang kanilang analysis hinggil dito.

Basahin: Takaw-disgrasya: Engineers pinuna ang aprubadong COVID-19 barriers sa motor

"When the motorcycle is in motion, the barrier will contribute to the change of the designed allowable aerodynamic forces (drag and lift) which will compromise the stability of the motorcycle. This will place the safety of the riders at risk," ani Singson.

"With the barrier attached either to the motorcycle, to the rider, or being held by the backrider, this compromises the safety of the motorcycle and the riders in general."

Dagdag pa niya, hindi magagarantiyahan ng kanilang grupo na magiging epektibo ang nasabing shield sa pagkalat ng air particles sa pagitan ng nagmamaneho at pasahero, bagay na pwede pa raw pagmulan ng COVID-19 transmission. Nag-iipon kasi ng pressure ang harapan ng pananggalang habang lumilikha ng "turbulence" at "suction" sa likod ng barrier.

Bukod sa takaw-disgrasya, takaw-gasolina rin daw ang paggamit ng barrier sabi ni Singson bunsod ng nililikhang air resistance ng shield.

Dating pinagbabawalan ang pag-angkas sa motorsiklo dahil sa mga peligro ng pandemya, ngunit pinapayagan ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa mga general community quarantine (GCQ) at modified general quarantine (MGCQ) areas para sa mga mag-asawa't magsing-irog na nagsasama sa iisang bahay.

Pinapayagan naman ito ng gobyerno sa mga lugar na nagpapatupad ng mas mabigat na modified enhanced community quarantine (MECQ), kahit na walang relasyon ang mga nakasakay, basta't naghatid ng essential worker.

May kinalaman: Pag-angkas sa motor pwede sa MECQ areas 'basta essential worker,' kahit hindi mag-jowa

"Ngayon, kung isusuot nila 'yung barrier kasama 'yung hindi nila misis, hindi naman enjoy 'yan," patuloy ni Año.

Kasalukuyang nasa 119,460 ang bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19 sa buong mundo. Sa bilang na 'yan, 2,150 na ang namamatay, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon. — may mga ulat mula kay News5/Romel Lopez

BARRIER

MOTORCYCLE

NOVEL CORONAVIRUS

SHIELD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with