^

Bansa

Cell sites sa mga liblib na lugar pinabibilisan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabibilisan ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong at ni Rizal Rep. Fidel Nograles sa Department of Information and Communication Technology ang paglalagay ng cell sites sa mga liblib na lugar kaugnay ng bagong sistema na online learning at work from home sa panahon ng pandemic.

Ayon kay Ong, bukod sa Build Build Build Program ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapatayo ng mga tulay at kalsada, dapat mamuhunan at tutukan din ang communication infrastructure ngayong new normal na gagamit na ma­kabagong teknolohiya upang makapag-aral at makapagtrabaho sa kanilang mga bahay.

Sinabi naman ni Nog­rales, maaaring pondohan ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga cellular tower na maaaring ipaupa naman sa telecom companies, sa ganitong paraan umano ay mapabibilis ang paglalagay ng kinakaila­ngang cell sites na agad nang mapakikinabangan ng publiko.

Sa datos ng TowerXchange, isang informal network ng mga advisor sa market tower industry sa buong mundo, ang user-per-cell site density sa Pilipinas ay 4,036, ito ay base sa 18,000 total cell sites para sa 67 million internet users.

Malayung-malayo ito sa kalapit na bansang India na 312 lang ang user-per-site density dahil sa may 1.5M cell sites; Indonesia na may 91,700 cell sites para sa kanilang 132M internet user, China na may 1.95 million cell sites para sa 751 million internet users at Vietnam na may 70,000 cell sites para sa 64 million internet users.

Aminado naman ang DICT na ang maraming requirements ang nagpapabagal sa pagpapatayo ng cell sites kaya plano nilang bawasan ng 50% ang “redundant or duplicitous permitting” sa konstruksyon ng telco towers.

CELL SITES

DICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with