‘Buy local’ suportado ni Villar

Sinabi ni Sen. Cynthia Villar na mas naging makabuluhan ang katagang “tangkilikin ang sariling atin,” sa gitna ng maigting na panawagan na tangkilikin ang mga produkto at serbisyo ng mga lokal na negosyante.

MANILA, Philippines — Suportado ni Sen. Cynthia Villar ang “buy local” para makatulong sa mga Pinoy entrepreneurs na kumita sa harap ng pagbagsak ng ekonomiya dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Villar na mas naging makabuluhan ang katagang “tangkilikin ang sariling atin,” sa gitna ng maigting na panawagan na tangkilikin ang mga produkto at serbisyo ng mga lokal na negosyante.

Ayon kay Villar na siyang Chairperson ng Senate Committee on Agriculture, Food, Agrarian Reform, Environment and Natural Resources na sa ngayon ay mayroong tumataas na demand para sa lokal na produkto, lalo na sa mga social media at mga online selling site.

Pinuri rin ng senador ang mga MSME na natutong makaagapay sa mga problemang dala ng pandemya. Sinabi nito na sa pamamagitan ng online selling ay na-aabot ng mga local seller ang mga consumer sa panahon ng quarantine, kung saan marami ang hindi nakalalabas ng kanilang mga tahanan.

Binigyan diin ni Villar na ang mga MSME ay isang mahalagang bahagi ng ating ekonomiya.

Si Villar ang may akda ng Senate Bill 145 na nagtatakda sa buwan ng Nobyembre bilang “Buy Pinoy, Build Pinoy Month” upang hikayatin ang publiko ma­ging mga pribadong sector na bigyang prayoridad ang pagtangkilik at paggamit ng mga produkto, serbisyo at mga manggagawang Pilipino.

Show comments