^

Bansa

'First wave pa lang': IATF adviser sinabing 'di pa na-flatten ang COVID-19 curve

Philstar.com
'First wave pa lang': IATF adviser sinabing 'di pa na-flatten ang COVID-19 curve
Dumaraan sa mandatory testing ang ilang tricycle operator at tsuper nito sa Marikina para siguruhing listas ang mga pasahero sa muling pagpasada ng mga nasabing sasakyan sa lungsod kasunod ng pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines (Update 1, 1:10 p.m.) — Taliwas sa anunsyo ng Department of Health, sinabi ng isang medical expert, Huwebes, na wala pa sa "ikalawang wave" ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Miyerkules kasi nang sabihin nina DOH Secretary Francisco Duque III at epidemiologist na si John Wong na unang "wave" ng nakamamatay na sakit ang tatlong Tsinong nakakitaan ng nakamamatay na sakit simula noong Enero.

Pero para kay Dr. Anthony Leachon, adviser ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, hindi pa naman napapahupa ang unang sipa ng virus sa bansa.

"Ang first wave na alam ko 'yung unang nag-lockdown, 'yong community quarantine kasi ang doubling time nun mabilis," sabi ni Leachon sa panayam ng Teleradyo.

"We have not yet flattened the curve eh kasi ang second wave nangyayari after na mag-flatten ka. So parang 'yan ay experience sa Spanish influenza ng 1918, nag-flat siya tapos tsaka ka nagkaroon ng second wave."

Ayaw ikonsidera ni Leachon na unang wave ang tatlong kaso dahil napakaliit pa raw nito kung iuugnay sa "epidemic curve," dahilan para tawagin lang niya itong index cases.

Ipinakikita ng epidemic curve ang pag-unlad ng sakit sa isang outbreak sa isang takdang panahon, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention. Makikita dito kung kailan nagkasakit ang tao kada araw, linggo o buwan.

Kahapon nang sabihin ng DOH na umabot na sa 13,221 na ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, habang 279 na rito ang namamatay na.

Kahapon, sinabi ni Wong na nasa mas mababang yugto na ng second wave ng COVID-19 ang Pilipinas, matapos bumaba sa 220 ang naitatalang panibagong kaso araw-araw mula sa rurok nito na 538 noong dulo ng Marso.

"[K]ung hindi tayo nagpataw ng [enhanced community quarantine bago ang Marso]... baka tumaas pa ang peak. Kaysa 500 cases a day, baka mas malaki pa," ani Wong.

Magkaiba man ang pananaw pagdating sa kung anong "wave" na ng pandemya sa Pilipinas, sang-ayon naman si Leachon na malaki ang magagawa ng lockdown sa pagpapabagal ng pagdami ng kaso.

Malacañang pumalag sa DOH

Sinang-ayunan naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang sinabi ni Leachon, dahilan para tumaliwas ang Palasyo sa mismong linya ng DOH.

"Nagsimula po ang first wave natin noong dumating 'yung tatlong Tsino na meron na pong kaso ng COVID-19, pero hindi po community acquired 'yan," sabi niya sa isang press briefing.

"Nagpapatuloy po ang first wave."

Ipinaliwanag naman ni Roque ang kaibihan ng kanyang sinabi sa DOH, at sinabing kumunsulta siya sa tatlong dalubhasa tungkol sa isyu bago naglabas ng pahayag.

Kasama sa mga kinunan niya ng kuro-kuro sa isyu sina dating Health Secretary Esperanza Cabral, Magsaysay awardee for medicine na si Ernesto Domingo at Minguita Padilla ng University of the Philippines-Philippine General Hospital.

"Ang medisina, para ring mga abogado 'yan. Iisa lang ang batas namin, iba't ibang ang interpretasyon. Ganyan din siguro sa medisina," sabi niya.

'Dapat nag-testing agad'

Sabi naman ni Wong, mas maganda sana na nagsagawa na ng mga testing kontra COVID-19 noong nagsimula pa lang maitala ang index cases.

Pero nagsimula lang ng sistematikong targeted testing (hindi raw "mass testing") program ang gobyerno noong ika-14 ng Abril. 

"'Yon ang ginawa sa [South] Korea, Vietnam. Habang mayroon ka pang maliliit na cases that was the best time para makapag-testing," wika niya.

Sang-ayon sa World Health Organization, posible raw na magsimula ang totoong ikalawang sipa ng virus sa Pilipinas sa pagpapasok ng panibagong bugso nito mula ibang bansa.

Una nang napababa ng Singapore ang panibagong COVID-19 transmissions nito, hanggang sa muling buksan ang kanilang borders, dahilan para umakyat sa 25,000 ang kanilang kaso. — James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

FIRST WAVE

INTER-AGENCYTAWSK FORCE ON EMERGING INFECTIOUS DISEASES

NOVEL CORONAVIRUS

SECOND WAVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with