^

Bansa

Palasyo: Kasong kriminal inihahanda vs director Sinas dahil sa 'ECQ party'

James Relativo - Philstar.com
Palasyo: Kasong kriminal inihahanda vs director Sinas dahil sa 'ECQ party'
Sinusuotan ng cap si NCRPO chief Debold Sinas habang tangan-tangan ang sandamukal na rosal sa kanyang surprise birthday celebration.
Released/PIO NCRPO

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang na inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang kasong kriminal laban kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Debold Sinas, at iba pa, dahil sa paglabag sa panuntunan ng enhanced community quarantine.

Humaharap kasi sa batikos si Sinas dahil sa isinagawang birthday mañanita (hindi raw party), dahil sa paglabag sa kautusan laban sa "mass gatherings" at "social distancing" habang kumakalat ang coronavirus disease (COVID-19).

Ang balita ay kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang pahayag, Huwebes.

"Per my latest conversation with Philippine National Police Chief PGen. Archie Gamboa, a criminal case is now being readied to be filed tomorrow against NCRPO Chief Debold Sinas, along with other senior police officials who attended the gathering," ani Roque.

Sa mga ilang litrato, makikitang nagsasalo-salo sa pagkain, tumutugtog ang mga musikerong naka-full band set-up at binibigyan ng rosas si Sinas.

Klarong-klaro rin na walang face mask sina Sinas at kanyang mga kasama sa ilang litrato.

 

Bukod diyan, kumukuha na raw ng clearance ang PNP mula sa Office of the President tungkol sa pagsasampa ng mga kasong administratibo dahil sa quarantine rule violation ng mga nabanggit.

"Maj. Gen. Sinas is a third level officer and a presidential appointee; hence, a clearance from the OP is needed for the filing of administrative charges of the PNP," dagdag pa ni Roque.

"The same applies to the senior police officials who are also presidential appointees."

Matatandaang dumalo rin sa isang mass gathering si Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator (OWWA) Mocha Uson, nang tipunin nila ang 322 kataong naka-quarantine sa isang resort sa Batangas.

Wala pa namang balita kung mapaparusahan si Uson.

BIRTHDAY PARTY

CRIMINAL CASE

DEBOLD SINAS

HARRY ROQUE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with