^

Bansa

Deputy Commissioner tumanggap ng suhol

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang government official ang nadiskubreng tumatanggap umano ng suhol sa gitna ng pagiging abala ng bansa sa paglaban sa COVID-19.

Ito ang ibinunyag ni ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran makaraang mapag-alaman na ang isang Deputy Commissioner ng isang ahensiya ng pamahalaan  ay tumatanggap diumano ng suhol kapalit ng pabor sa mga individual na may nilalakad sa kanyang tanggapan.

“Hindi ko maintindihan kung bakit sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa ay may nakakagawa pa ng ganitong krimen? Wala ba siyang konsensya?” tanong ni Taduran.

Gayunman, tumanggi muna si Taduran na tukuyin ang pagkakakilanlan ng nasabing opisyal.

“I am not inclined to reveal his identity at the moment but let this serve as a stern warning to him that his actions will not be tolerated and I will see to it that his corrupt practices will be dealt with seriously,” babala ni Taduran.

Kasaluluyang kinakalap ni Taduran, Asst. House Majority Leader ang mga ebidensiyang may kinalaman sa ulat ng pagtanggap ng suhol ng naturang opisyal.

Tiniyak ng mambabatas na agad siyang maghaharap ng House Resolution para ipatawag ang isang inquiry kaugnay ng diumano ay korapsyon na isinasagawa ng opisyal na ito para masampahan ng kaukulang kaso.

“Let me remind our government officials to always observe the highest level of honesty and decency in the performance of their duty. No form of corruption is too small,” pagtatapos ni Taduran.

 

SUHOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with