^

Bansa

Reward sa makakaimbento ng bakuna itinaas sa P50 milyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Reward sa makakaimbento ng bakuna itinaas sa P50 milyon
Sinabi ng Pangulo na mula sa P10 milyon ay gagawin niya itong P50 milyon dahil tiyak naman na isang grupo at hindi lang isang tao ang magtutulong-tulong para gumawa ng bakuna.
Philstar.com/Irish Lising, file

MANILA, Philippines — Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P50 milyon ang reward sa makakaimbento ng bakuna kontra COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na mula sa P10 milyon ay gagawin niya itong P50 milyon dahil tiyak naman na isang grupo at hindi lang isang tao ang magtutulong-tulong para gumawa ng bakuna.

Muling binanggit ng Pa­ngulo na tatanggalin kaagad niya ang enhanced community quarantine sa sandaling may madiskubreng bakuna.

Idinagdag ni Duterte na dapat tanggapin ng sinumang makakadiskubre ang reward kahit pa para sa ba­yan ang ginawa ng mga ito.

Ibibigay din lang aniya ang P50 milyon kung Filipino ang makakadiskubre ng bakuna.

Sa huli ay ipinahiwatig ni Duterte na matatapos lamang ang problema na dala ng COVID-19 kapag may naimbento ng bakuna.

Related video:

MILYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with