^

Bansa

Short sa cash? P10-M pabuya ni Duterte sa makaiimbento ng COVID-19 vaccine

James Relativo - Philstar.com
Short sa cash? P10-M pabuya ni Duterte sa makaiimbento ng COVID-19 vaccine
Pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kahapon, ika-20 ng Abril, 2020.
Presidential Photo/Ace Morandante

MANILA, Philippines — Handang magbigay nang limpak-limpak na salapi si Pangulong Rodrigo Duterte para sa sinumang makakaimbento ng bakuna laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19), na pumeperwisyo ngayon sa buong mundo.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, Martes, naghihintay ang P10 milyon sa sinumang makakagawa ng lunas sa virus, na tumama na sa 6,459 at pumatay sa 428 sa bansa simula Enero.

"Dahil public enemy number one nga po itong COVID-19, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo, inanunsyo po ng pangulo na siya ay magbibigay ng pabuya na hanggang P10 milyon sa kahit na sinong Pilipino na makakadiskubre ng vaccine laban sa COVID-19," sabi ni Roque sa isang viritual briefing.

Una nang sinabi ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na aabutin nang anim na buwan hanggang isa't kalahating taon bago lumabas ang dine-develop na bakuna para sa COVID-19.

Ika-13 ng Abril nang sabihin ni Digong na babawiin lang niya ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon oras na magkaroon na ng lunas o "antibodies" panlaban sa pandemic.

Dahil sa lockdown, naghihigpit pa rin ang gobyerno sa paglabas-labas ng mga residente habang suspendido ang lahat ng mga pampublikong transportasyon at mga klase.

Tulong sa mga siyentista

Bukod sa mga reward, sinabi rin ni Roque na magbibigay ng karagdagang pondo sa University of the Philippines at Philippine General Hospital para mapabilis ang proseso.

"Ipinapaanunsyo nga rin po ng ating president na siya ay magbibigay ng substantial grant sa UP at UP-PGH para makapag-develop din po ng bakuna laban sa COVID-19," sabi pa niya.

Hindi naman inilinaw ni Roque kung magkano ang matatanggap na grant ng UP at PGH para sa development ng bakuna.

Pumapatak na nasa P20.27 bilyon lang ang pondo ng Department of Science and Technology (DOST) para sa taong 2020, ayon sa General Appropriations Act na ipinasa ng Konggreso.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na lalahok ang Pilipinas sa clinical trials para sa gamot na Avigan, na gawa ng mga Hapon.

Tinitignan ang Avigan bilang isa sa mga posibleng lunas sa COVID-19.

Tinatayang aabot sa 8.5 milyon ang projected na bilang ng COVID-19 infections sa Pilipinas pagsapit ng rurok nito sa Oktubre, ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS).

Related video:

GRANT

NOVEL CORONA VIRUS

REWARD

RODRIGO DUTERTE

VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with