^

Bansa

ALAMIN: Mga maaring mong ikakukulong sa ilalim ng 'Bayanihan' Act

James Relativo - Philstar.com
ALAMIN: Mga maaring mong ikakukulong sa ilalim ng 'Bayanihan' Act
Dumadaan sa "disinfection gate" ang mga motorsitang dumaraan sa isang COVID-19 checkpoint sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Maynila.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Usap-usapan ngayon ang ibibigay na mga panibagong kapangyarihan ng Kamara at Senado kay Pangulong Rodrigo Duterte para masawata ang lalong pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Kagabi lang nang aprubahan sa dalawang kapulungan ng lehislatura ang "Bayanihan To Heal As One Act," matapos iangkop ng Kamara ang Senate Bill 1418.

Pero alam niyo ba na may iba't ibang probisyon din ito na maaaring magmulta o magdala sa'yo sa likod ng rehas?

Narito ang mga sari-saring parurusahan sa nasabing panukala:

  1. local government officials na susuway sa national government policies o direktiba sa pagpapatupad ng quarantine
  2. may-ari ng pribadong ospital, medical at health facilities, maging passenger vessels at iba pang establisyamento na susuway sa operasyong hinihingi ng presidente
  3. hoarding, profiteering, pagmamanipula ng presyo, panlilinlang gamit ang produkto, kartel, monopoloyo at iba pa na sasakal sa kalakalan at iba pang gawi na aapekto sa suplay, pagpapamahagi at pagdaloy ng pagkain, damit, gamot atbp.
  4. pagtangging gawing prayoridad at tanggapin ang mga kontrata para sa mga materyales at serbisyong kailangan para itaguyod ang national policy
  5. pagtangging magbigay ng 30-day grace period na ibinibigay sa Section 4, na naglilinaw sa authorized powers ni Duterte
  6. mga grupong gagawa ng at magpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa COVID-19 crisis sa social media at iba pang platforms na walang "valid o beneficial effect" sa populasyon, na malinaw na "nagtataguyod ng kaguluhan, takot, anarkiya at kalituhan" ; magsasamantala publiko gamit ang mga scam, kahina-hinalang email, atbp.
  7. kabiguang sumunod sa risonableng limitasyon sa transportasyon ng ilang sektor
  8. pagharang sa mga kalsada, tulay at pagpapanatili ng konstruksyon sa pampublikong lugar na ipinatatanggal

Haharap sa dalawang buwang pagkakakulong at/o multang P10,000 hanggang P1 milyon ang mga mapatutunayang lalabag dito.

Itinuturing ngayon ng ilang netizens na kontrobersyal ang ikaanim na probisyon, gayong napaka-"vague" daw nito, dahilan para maparusahan daw ang sinumang mapagbibintangan na nagpapakalat ng pekeng balita.

'Fake news' sa panahon ng COVID-19

Lunes nang sabihin lang ni House Speaker Cayetano na "fake news" daw ang ilang ikinakalat na balita tungkol sa kakulangan sa personal protective equipment (PPE) ng mga frontline health workers na tumutugon sa COVID-19.

Kanina lang nang sabihin ng Presidential Communications Operations Office na naaresto ang isang mag-ama na nagkakalat ng "fake news" matapos mag-promote ng diumano'y gamot laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government spokesperson Jonathan Malaya, wala pa raw kasing totoong cure sa sakit.

Makikita ang pinal na kopyang ipadadala kay Pangulong Rodrigo Duterte dito:

Kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon, dahilan para malimitahan ang kilos ng mga residente.

Suspendido pa rin ang lahat ng pampublikong transportasyon hanggang sa ngayon.

Umabot na sa 552 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, habang 35 na ang namamatay kaugnay ng sakit. — may mga ulat mula sa ONE News

EMERGENCY POWERS

EXPLAINER

HOUSE OF THE REPRESENTATIVES

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

SENATE

STANDBY POWERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with