MANILA, Philippines — Kahit umabot na sa lima ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, tiniyak ng Malacañang na hindi nito mapipigilan si Pangulong Rodrigo Duterte na gampanan ang kanyang mga tungkulin at humarap sa publiko.
Sa panayam ng press
kay presidential spokersperson Salvador Panelo, Biyernes, sinabi niyang walang pakialam ang presidente kahit na dumarami ang kaso ng nakamamatay na sakit sa Pilipinas, na nananalasa ngayon sa Tsina at iba't ibang bahagi ng mundo
Kanina lang nang kumpirmahin ng Department of Health na nadagdagan pa ng dalawa ang COVID-19 cases sa Pilipinas, kasabay ng "unang local transmission" ng sakit.
"Kilala ko ang presidente, walang pakialam 'yun sa sarili niyang kaligtasan kahit na virus pa 'yan o ano pa. Itutuloy niya 'yung schedule niya," wika ni Panelo sa Inggles.
Aniya, maaaring baguhin lang daw ni Duterte ang kanyang mga plano kung biglang may mga sumulpot na bagong events.
Dagdag pa ng tagapagsalita, kahit gustuhin nilang limitahan ang pinupuntahan ni Duterte ay magiging mapilit lang daw siya, sa dahilang "workaholic" daw siya.
Hindi
rin daw
magpapapigil si Duterte na
makisalamuha
sa
publiko: "
Sa
tingin
ko
hindi,
kilala
ko
eh. Pero
siyempre
hindi '
yun
magugustuhan
ng [Presidential Security Group.]"
'Yan ang naging pahayag ni Panelo kahit na may-edad at umiinda na ng maraming karamdaman si Duterte.
Si Digong, na 74-anyos na, ang pinakamatandang nahalal na presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ilan na
riyan
sa
mga
iniindang
sakit
ni Duterte
ang myasthenia gravis, Barett's esophagus
Bago ang dalawang bagong kaso, tatlo na ang na-diagnose ng COVID-19 sa Pilipinas — isa sa kanila ang patay na.