^

Bansa

34 'volcanic earthquakes' naitala sa Taal sa pagbiyak ng bato sa ilalim, paligid ng bulkan

James Relativo - Philstar.com
34 'volcanic earthquakes' naitala sa Taal sa pagbiyak ng bato sa ilalim, paligid ng bulkan
Nagbuga rin ito ng katamtamang dami ng abo na may halong singaw na aabot sa 300 metrong taas bago hanginin patimog-kanluran simula Miyerkules ng gabi.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nakapagtala ng ilang pagyanig ang Taal Volcano Network sa ilalim at paligid ng "edifice" ng Bulkang Taal sa patuloy na pag-iral ng Alert Level 2 sa nasabing lugar.

Sa pahayag na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Huwebes, umabot ng 34 ang mga nasabing volcanic earthquakes sanhi ng  "rock fracturing processes" sa bulkan.

Nagbuga rin ito ng katamtamang dami ng abo na may halong singaw na aabot sa 300 metrong taas bago hanginin patimog-kanluran simula Miyerkules ng gabi.

Nangyari ang nasabing steam-laden plume emission sa pagitan ng 9:00 p.m. kagabi at 3:00 a.m. kaninang madaling araw.

"Nangyari rin ang paputol-putol na steaming activity sa kabuuang observation period," dagdag pa ng Phivolcs sa Inggles.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, patuloy ang pagbubuga ng usok at singaw ng bulkan dahil sa pag-akyat pa rin ng magma, o tunaw na bato.

"Aktibo pa ‘yung pagkulo ng tubig. Mainit ‘yung magma na umakyat at ‘yung tubig sa lawa ay pumapasok muli diyan sa volcano island. Nasisipsip paloob," sabi ni Solidum.

"Kaya po ang tubig na napapakuluan ay lumalabas na usok pero 'di gaano kadami. Low lang ang emission mga 50 meters lang kadalasan. Kagabi nga ay dumami nang bahagya."

Alert Level 2 nananatili

Bagama't mas kalmado ang bulkan kumpara noong nakaraang buwan, hindi pa rin naman daw dapat makapanpante.

"Pinapaalalahanan ng DOST-PHIVOLCS ang publiko na kapag Alert Level 2, maaari pa ring mangyari ang biglaan mga phreatic explosions at pagsabog buhat ng singaw, paglindol, pag-ulan ng abo maliban sa nakamamatay na pagsabog ng volcanic gas," sabi pa ng state volcanologists.

Dahil dito, nanganganib pa rin ang Taal Volcano Island (TVI) at baybayin nito.

Mahigpit na ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok sa TVI at permanent danger zone ng bulkan.

Pinag-iingat din ang mga komunidad na nasa "active river channels," lalo na yaong mga ilog na nadeposituhan ng abo dahil maaari raw umagos ang lahar oras na umulan nang malakas o tuloy-tuloy.

Daan-daang libong residente ang inilikas mula sa paligid ng bulkang noong Enero matapos nitong pumutok habang nasa Alert Level 4 pa.

Matatandaang nadama hanggang sa Kamaynilaan ang bagsik ng Taal matapos umabot doon ang ashfall.

ALERT LEVEL 2

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

VOLCANIC EARTHQUAKES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with