MANILA, Philippines — Natuloy sa ilang simbahan ang planong pagbabago sa tradisyon ng mga Katolikong Pinoy ngayong Ash Wednesday sa gitna ng pagsusumikap laban sa nakamamatay na sakit na naglipana sa Asya at iba’t ibang bansa.
Ginawa ito sa payo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, na kumitil na sa buhay ng libu-libo.
Sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help
sa Baclaran, Parañaque,
makikitang
ibinubudbod na
lang
sa
ulo
ng
mga
nakapilang
nagsisimba
ang
tuyong abo, na
nakariwang
ipinapahid
nang
basa para
gumuhit
ng
krus.
Instead of an ash cross drawn on the forehead, devotees get ash put on the top of their head on Ash Wednesday at the National Shrine of Our Mother of Perpetual Help in Baclaran, Parañaque City.
— Philstar.com (@PhilstarNews) February 26, 2020
??STAR/Miguel de Guzman pic.twitter.com/Ki02HKlqs7
Maaga pa lang, ganyan na rin ang naging eksena sa Quiapo Church, na siyang tahanan ng tanyag na imahen ng Itim na Nazareno.
WATCH:
Pagbubudbod
ng abo
sa
ulo
ngayong Ash Wednesday
sa Quiapo Church | @News5AKSYON @onenewsph pic
.twitter.com/
RzvRyMKoNR
— Justinne Punsalang
?? (@thisjustinne) February 25, 2020
Sa kabila ng kakaibang gawi, sinabi ni CBCP President Davao Arsobispo Romulo Valles na hindi ito pagbabago ngunit “alinsunod sa sinaunang gawain ng Simabahan."
“Sa binyag, pinahiran tayo sa tuktok ng ating ulo. Ang abong ilalagay sa ulo ay sinyales ng ating paghingi ng tawad sa nagawang kasalanan, na siyang nilalabanan ng binyag,” ipinaliwanag ng Arsobispo ng Davao sa Inggles.
Ang CBCP, sa pangunguna ni Valles, ay una nang nagdagdag ng patnubay para maiwasan ang mabilis na pagkakalat ng nakakahawang COVID-19 habang papalapit ang Kwaresma.
Pinayuhan niya ang mga mananampalataya na wag halikan at hawakan ng tao ang krus. Sa halip, sila ay hiniling niyang yumuko na lang ang mga nabanggit sa harapan ng rebulto ng Panginoong Hesukristo.
Noong Enero naman, ang asamblea ng mga obispo ay nanghikayat din na
‘wag maghawakan ng kamay tuwing dadasalin ang “Ama Namin”
Pinaiiwas din ang lahat ang pagbeso-beso tuwing “sign of peace,” habang inirerekomenda naman na gamitin ang kamay tuwing tatanggap ng komunyon.
Ang
mga
abong
ginamit
ngayong
araw ay
nagmula
sa sinunog na palaspas na iwinagayway noong Palm Sunday ng nakalipas na taon Philstar.com intern Cody Perez at may mga ulat mula sa The STAR at News5