‘Ouster plot vs Digong hindi magtatagumpay’ – Gamboa

MANILA, Philippines — Hindi magtatagum­pay ang anumang ouster plot o planong pagpapabagsak sa kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi ito susuportahan ng pulisya at ng militar.

Ito ang tiniyak kaha­pon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Gamboa  sa gitna na rin ng mga alingasngas na may niluluto umanong coup de etat upang ibagsak ang administrasyon sa ika-34 taong anibersaryo ng EDSA ngayong araw.

Idiniin ni Gamboa na patuloy na umaani ng suporta sa publiko si Pangulong Duterte sa mataas nitong ratings sa mga surveys.

Show comments