^

Bansa

Pagtutukoy ng PNP sa mga estudyanteng Muslim para sa 'kontra terorismo' binanatan

Philstar.com
Pagtutukoy ng PNP sa mga estudyanteng Muslim para sa 'kontra terorismo' binanatan
"Ang kinatatakutan namin ay mauwi ang profiling sa... paniniktik, pagdami ng mga pulis sa eskwelahan, panggigipit at  pananakot ng mga estudyanteng Muslim," paliwanag ng children's right's organization. 
The STAR/Boy Santos, File

Manila, Philippines — Batikos ang inabot ng Philippine National Police (PNP) matapos maglabas ng kautusang nagtitipon sa pangalan ng mga estudyanteng Muslim bilang bahagi ng laban sa terorismo.

Ayon sa memorandum na pinetsahang ika-31 ng Enero, kasama sa inililistang estudyante ang mga nagpra-practice ng Islam mula sa high school, mga kolehiyo't unibersidad sa National Capital Region. 

Sa dokumento na inilabas ng Alliance of Concerned Teachers, sinasabing gagamitin ng Salaam Police Center ang mga pangalan bilang sanggunian sa aktibidades na may kinalaman sa "peacebuilding" at "counter violent terrorism."

 

Ayon sa Salinlahi Alliance for Children’s Concerns, naalarma sila sa ginagawa ng kapulisan lalo na't inilalapit lang daw nito ang mga batang Muslim sa kapahamakan.

Imbis na kapayapaan, sinabi ng grupo na diskriminasyon, Islamophobia (disgusto sa mga Muslim) at malubhang pagbalewala sa seguridad nila ang itinataguyod ng memorandum.

"Ang kinatatakutan namin ay mauwi ang profiling sa... paniniktik, pagdami ng mga pulis sa eskwelahan, panggigipit at  pananakot ng mga estudyanteng Muslim," paliwanag ng children's right's organization. 

"Maaari itong lumikha ng takot sa kabataang Muslim na mapagbintangang sumasali o nakikisimpatya sa violent extremists."

Panawagan tuloy nila, respetuhin ng mga alagad ng batas ang mga nabanggit at tuluyan nang bawiin ang memorandum.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang manawagan si Sen. Nancy Binay na itigil na ang lahat ng uri ng "profiling," o pagpuntirya sa espisipikong grupo ng tao batay sa itsura, paniniwalang pulitikal, relihiyon, etnisidad at kasarian. — Philstar.com intern Krizzia Mae Furio

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROFILING

SALINLAHI ALLIANCE FOR CHILDREN'S CONCERNS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with