^

Bansa

Calida nangompronta ng ABS-CBN reporter matapos kwestyonin ang kanilang prangkisa sa SC

James Relativo - Philstar.com
Calida nangompronta ng ABS-CBN reporter matapos kwestyonin ang kanilang prangkisa sa SC
Sa ilang video, makikitang humihingi ng kopya ng quo warranto petition ang reporter na si Mike Navallo kay Calida. Pero imbis na papel, maaanghang na salita ang natanggap ng journo.
Philstar.com/Kristine Joy Patag, File

MANILA, Philippines — Pinersonal ni Solicitor General Jose Calida ang isang mamamahayag ng ABS-CBN matapos hilingin ng nauna sa Korte Suprema ang pagpapawalam-bisa ng prangkisa ng Kapamilya Network.

Sa ilang video, makikitang humihingi ng kopya ng quo warranto petition ang reporter na si Mike Navallo kay Calida. Pero imbis na papel, maaanghang na salita ang natanggap ng journo.

 

 

"Palagi mo akong binabanatan ah," galit na tugon ng solicitor general kay Navallo, na nagbalita tungkol sa filing laban sa kanilang istasyon.

"Sir, ginagawa ko lang ang trabaho ko sir... Bahagi lang po ng istorya," tugon ng reporter sa Inggles.

Inungkat pa ni Calida ang pagiging abogado ng mamamahayag — na walang kinalaman sa mga tanong ng media.

Tinatanong kasi nina Navallo at iba pang kawani ng press kung bakit ngayon lang siya naghain ng petisyon at kung bakit hindi na lang niya inantay mapaso ang prangkisa ng network sa Marso. 

"Mag-practice ka na lang. Para magkita tayo sa court," harap-harapan niyang sinabi sa journo.

Una nang sinabi ni Calida na wala na siyang oras ibigay ang kopya ng petisyon dahil "late" na siya sa kanyang pupuntahan.

Pero sa pahayag na kanyang ibinigay sa media, ipinaliwanag ng solgen na inirereklamo niya ang diumano'y iligal na pagtanggap ng ABS-CBN ng pamumuhunan mula sa mga banyaga (gamit ang Philippine Deposit Receipts) at pagpapatakbo ng channel na "KBO" kahit wala raw permit mula sa National Telecommunications Commission.

Sa 1987 Constitution, sinasabing pawang mga Pilipino lang ang dapat na magmay-ari at magpatakbo ng mass media sa bansa.

Dumepensa naman ang kumpanya sa mga alegasyon at sinabing wala silang nilalabag na batas.

Pangha-harass ni Calida?

Samantala, kinundena naman ng ilang media groups ang diumano'y panggigipit ng solgen kay Navallo.

Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines, malinaw na "sumobra" raw ang opisyal nang piliin niyang personalin ang reporter.

Imbis na paunlakan niya raw ang panayam ng media, minabuti raw niyang i-"single out" at i-"harass" ang nabanggit.

"Classic example ang kabastusan ni Calida... pinagkakamalan niyang lisensya ang kanyang posisyon para makuha niya ang gusto sa maling paraan. 'Yung ganyang pag-uugali, kapareho lang ng sa amo niya," sabi pa ng NUJP.

"Umayos ka." — may mga ulat mula sa News5

ABS-CBN

JOSE CALIDA

LEGISLATIVE FRANCHISE

MIKE NAVALLO

NATIONAL UNION OF JOURNALIST OF THE PHILIPPINES

SOLICITOR GENERAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with