PALAYAN, Philippines — Alam na ng mga mahihirap na residente ng Palayan City kung saan sila lalapit kapag walang pambayad sa hospital para sa kanilang pagpapagamot.
Kung hindi sa City Hall ay sa bahay mismo ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas nagtutungo ang mga kapuspalad at hindi naman sila nabibigo.
Tulad na lamang ang ng isang 78-taong gulang na si Lolo Guilermo Barrientos, mula sa pagpapa-check up hanggang sa pagpapa-opera ng bukol ay sinasagot ang gastusin ni Mayor dahil walang wala din naman ang kanyang mga anak at apo.
Nailabas naman ng isang ina mula sa Brgy. Imelda, Palayan City sa pamamagitan ng ceasarian operation sa isang private hospital sa Cabanatuan City ang premature na paternal twins na sanggol makaraang bayaran ni Mayor Cuevas ang bill nito na mahigit sa 100,000.
Inako din ng Alkalde ang lingguhang check-up at therapy ng apat na magkakapatid ng pamilyang Novicio dahil sa kakaibang sakit sa buto.
Ayaw magpa-interview ang Mayora hinggil sa nasabing pagtulong pero ayon sa kanyang staff, mula sa simpleng paracetamol hanggang sa operasyon at therapy ay sinasagot ng lady Mayor kapag mahirap ang isang Novo Ecijano ang lumapit sa kanya.
Ayon pa sa staff, kadalasan ay ang mister ng lady Mayor na si Bong Cuevas, galing ang perang pagpapagamot ng mga mahihirap na constituents.
Kilalang matagumpay na negosyante, mabalit at matulungin sa mga kapuspalad si Bong Cuevas.