MANILA, Philippines — Dahil sa lumalalang polusyon sa buong mundo dahil sa plastic, 71% ng mga Filipino ang nagpahayag ng kanilang suporta sa nationwide ban sa single-use plastics, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ang SWS survey ay kinomisyon ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) kung saan nakalista ang mga materyales na gustong gamitin ng mga filipino consumers.
Nangunguna sa listahan ang Sando bags na may 71%; plastic straws at stirrers, 66%; plastic labo bags, 65%; styrofoam o polstyrene food containers, 64%; sachets, 60%; doy pack para sa juices, 59%; plastic drinking cups, 56%; cutlery tulad ng plastic na kutsara at tinidor, 54%; plastic bottles para sa juice, 49%; at plastic bottles para sa tubig na 41%.
Umaasa rin ang mga consumers na ang mga kumpanya ay gagamit ng ibang alternatibong materyales para mabawasan ang plastic waste sa bansa
Ayon kay Froilan Grate, executive director ng GAIA Asi-pacific na ang resulta ng nasabing survey ay lumalabas na mataas ang awareness sa problema sa plastic na isa rin sa mahalagang isyu sa mga Filipino consumers.