^

Bansa

DOH: Lalaki sa Tacloban pinaghihinalaang may novel coronavirus

Philstar.com
DOH: Lalaki sa Tacloban pinaghihinalaang may novel coronavirus
Nakikipag-usap ang dalawang medical personnel na nakasuot ng protective suit sa isang pasyenteng nag-positibo sa 2019-nCoV sa Vietnam.
AFP/STR/Vietnam News Agency

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health na nadagdagan ang bilang ng mga taong pinagsususpetyahang nahawaan ng nakamamatay na novel coronavirus (2019-nCoV) sa Pilipinas.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, Biyernes, nagtrabaho ang lalaki sa Wuhan, China at umuwi sa Lungsod ng Tacloban.

Ayaw pa namang kumpirmahin ni Domingo kung ano ang nasyunalidad ng panibagong kasong inoobserbahan.

"It's a male. He is working from Wuhan and came home to Tacloban," matipid na sagot ng opisyal ng DOH.

Sabi pa ni Domingo, wala sa mga ospital ang iba pang mga nakasalamuha ng lalaki sa Tacloban, ngunit pinili na lang daw nilang mag-"home quarantine": "Self-isolation at home. But the patient himself is admitted in isolation at our health facility."

Siya na ang ikalawang kaso na iniimbestigahan sa Pilipinas, kasama ang isang 5-anyos na batang Tsino.

Una nang inakala ng marami na gumaling na ang batang Tsino.

"Meron tayo pa rin, 'yung nasa Cebu natin na pasyente, na person under investigation. And then we have another person in investigation in Region 8," ani Domingo.

Umabot na sa 25 ang namamatay mula sa sakit ayon sa National Health Commission ng Tsina, maliban sa 830 kumpirmadong nahawaan nito. 

Ibang ini-refer na pasyente negatibo

Samantala, binanggit din ni Domingo na patuloy naman ang pagdagsa ng mga tao sa kani-kanilang mga ospital at klinika upang kumunsulta kung sila'y nahawa o hindi.

Aniya, merong apat na pasyenteng inirefer kamakailan sa Research Institute for Tropical Medicine na nanggaling mula sa Makati Medical Center.

"[T]hey were admitted to RITM. But the diagnosis is negative... Noong tinest 'yung mga pasyente, talagang meron lang silang flu. (trangkaso)," wika pa ni Domingo.

"Regular flu. So hindi sila suspect for the n-CoV 2019."

Una nang sinabi ng Civil Aviation Board at Civil Aviation Authority na mahigit 500 turista mula Wuhan, China ang pauuwiin sa kanilang bansa dahil sa pangamba sa sakit.

Kasalukuyang suspendido ang mga flights at train rides mula sa Wuhan, habang suspendido rin ang mga biyahe mula at papuntang Pilipinas galing sa nasabing lungsod— James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Shiela Crisostomo

2019-NCOV

CHINA

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

TACLOBAN

WUHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with