^

Bansa

Phivolcs umaasang kakalma na ang Taal

Pilipino Star Ngayon
Phivolcs umaasang kakalma na ang Taal
Sa nakalipas na 24 oras habang isinusulat ito, nakapagtala lamang ng 153 tonelada ng asupre na nailuwa ng naturang bulkan mula sa dating 344 tonelada kada araw.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines —Inaasahan ng mga dalubhasa  ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs) na kumalma na nang tuluyan ang Bulkang Taal sa Batangas.

Ito, ayon sa Phivolcs, ay dahil sa patuloy na pagbaba ng mga aktibidad na naitatala sa natu­rang bulkan.

Sa nakalipas na 24 oras habang isinusulat ito, nakapagtala lamang ng 153 tonelada ng asupre na nailuwa ng naturang bulkan mula sa dating 344 tonelada kada araw.

Pinakamaraming na­iluwang asupre ang bulkan nang sumabog ito noong Enero 12 na nag­luwa ng 5,299 tonelada ng asupre.

Kaugnay nito, naka­pagtala lamang ang bulkan ng 6 volcanic earthquakes na hindi naman naramdaman ng mga tao.

Samantala, naitala naman ng Taal Volcano Network ang kabuuang 481 volcanic earthquakes kasama na dito ang walong low-frequency sa nakalipas na 24 oras.

Gayunman, nananatili pa ring ipinaiiral ng Phivolcs ang Alert Level 4 status sa paligid ng Bulkang Taal dahil sa patuloy na pagkakaroon ng magmatic intrusion sa paanan ng bulkan na indikasyon na posible pa ring may maganap na malakas na pagsabog sa bulkan.

Sakaling magkaroon ng malakas na pagsabog ang bulkan, ang ilu­luwa nitong abo ay dadalhin ng hangin pa timog kanluran mula sa main crater ng bulkan partikular sa Laguna.

ALERT LEVEL 4

PHIVOLCS

TAAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with