^

Bansa

Utang ng gobyerno bumaba sa P7.71 trilyon nitong Nobyembre 2019

James Relativo - Philstar.com
Utang ng gobyerno bumaba sa P7.71 trilyon nitong Nobyembre 2019
Sa kabila nito, tumaaas ng P417.14 bilyon, o 5.7%, ang national government debt mula sa pagtatapos ng 2018.
BusinessWorld, File

MANILA, Philippines — Pumalo sa P7.71 trilyon ang "outstanding debt" ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nagdaang Nobyembre 2019, ayon sa pahayag ng Bureau of Treasury, Huwebes.

"[Ito'y] P196.43 bilyon, o 2.5%, na pagbaba kumpara sa nakaraang buwan, primarya dahil sa 'net redemptions' ng domestic government securities," sabi ng BOT sa Inggles. 

Sa kabuuang debt stock. 33.6% ang utang sa labas ng bansa habang 66.4% ang utang panloob.

Sa kabila nito, tumaaas ng P417.14 bilyon, o 5.7%, ang national government debt mula sa pagtatapos ng 2018.

Tumaas naman daw ng P514.63 bilyon ang hiniram na pera ng pamahalaan, o 7.2%, kung year-over-year ang batayan.

Umabot ng P5.12 trilyon ang kabuuang utang panloob habang nasa P2.59 trilyon naman ang utang sa mga banyaga. 

Matatandaang umabot sa record-high na P7.94 trilyon ang government debt noong Agosto 2019, ngunit bahagyang nakabawi sa P7.908 trilyon at P7.906 trilyon pagdating ng Setyembre at Oktubre.

Una nang sinabi ng Department of Buget and Management na inaasahan nilang aabot ng hanggang P8.77 trilyon ang utang ng Pilipinas bago matapos ang 2020 habang nagpapatuloy ang "agresibong spending strategy" ng pamahalaan pagdating sa imprastruktura at serbisyong panlipunan.

BUREAU OF TREASURY

GOVERNMENT DEBT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with