^

Bansa

Tahong sa 19 lugar bawal kainin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bawal kainin ang shellfih products mula sa 19 lugar sa bansa.

Ito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay dahil sa mataas na level ng lason ng red tide na nakita sa mga baybayin batay sa latest water sampling na ginawa ng ahensiya.

Ayon sa BFAR, ba­wal kunin, ibenta at ka­­inin ang shellfish products­ tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa bayba­yin ng Bataan sa Mari­veles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal gayundin sa Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City Palawan­; Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City  Bohol; Irong-irong, San Pedro at Silanga Bays sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samay; Cancabato Bay, Tacloban City Leyte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Kaugnay nito, naki­pag-ugnayan na ang BFAR sa mga local chief executives sa na­banggit na mga lugar na huwag payagan na makarating sa mga pa­lengke at pamilihan ang anumang shellfish products para maka­iwas sa aberya at malason sa red tide.

Ang mga makaka­kain ng shellfish na may red tide ay maaaring­ mag­suka, magka-diarrhea­, sumakit ang kalamnan o maaaring ikamatay ng isang tao.

BFAR

TAHONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with