^

Bansa

Sa pagpasok ng bagong taon presyo ng bilihin magmamahal

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sa pagpasok ng bagong taon presyo ng bilihin magmamahal
Patok ang mga prutas na bilog sa hapag-kainan tuwing sasapit ang pagsalubong sa bagong taon kaya may ilan nang nami­mili sa Farmers Market sa Cu-bao, Quezon City.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagbanta sina Bayan Muna Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite sa publiko na posibleng salubungin ang bagong taon ng taas presyo sa mga pangunahing bilihin sa bagong taon.

Ayon kay Zarate at Gaite, ito ay bunsod sa ikatlong bugso ng excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN Law.

Sabi ni Zarate, mismong ang Department of Energy (DOE) na ang nagsasabi sa mga kumpanya ng langis na gamitin muna ang mga luma nilang stocks bago ipatupad ang dagdag na buwis sa produktong petrolyo.

Subalit dahil hindi umano nabubusisi ang presyuhan ng oil products, kaya walang kasiguruhan na hindi pa ipapasa ng oil companies ang bagong excise taxes.

Naniniwala naman si Gaite na mababalewala ang mababang inflation ngayong 2019 sa sandaling sumipa ang presyo ng langis sa world market.

Sa ilalim ng nasabing batas, tataas ang presyo ng diesel ng P1.50 kada litro at piso sa gasolina, kerosene at LPG.

BILIHIN

PRESYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with