MANILA, Philippines — Matapos ang ilang buwang pagsisikap ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) na isaayos ang isla ng Boracay na tinawag noong “cesspool,” muli itong itinanghal na isa sa best islands sa buong mundo ngayong taon.
Ayon sa Conde Nast Traveler na kinikilala at pinagkakatiwalaan sa larangan ng lifestyle travel, ang Boracay ang best island sa Asia at isa sa 30 pinakamagandang islands sa buong mundo sa taong 2019.
Noong isang taon ay hindi napasama ang Boracay sa listahan ng magagandang isla dahil sa isinagawang rehabilitasyon dito matapos ang dalawang magkasunod na taon noong 2016 at 2017 na kilalanin ito bilang world’s best island
Ngayong taon ay hinati sa anim na grupo ang pagkilala sa mga pinakamagandang isla sa mundo.
Ito ay ang Asia, Australia and South Pacific, Caribbean and Atlantic, Europe, North America at United States.
Sa ngayon ay may mahigit 80 percent na ang natapos sa ginawang rehablitasyon ng pamahalaan sa Boracay.