Dagdag sweldo ng civilian gov't employees aprubado sa ika-3 pagdinig ng Kamara

Dalawang araw pa lang ang nakalilipas nang aprubahan sa ikatlo't huling pagdinig ang counterpart nito sa Senado na Senate Bill 1219.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Pasado na sa House of Representatives ang panukalang magrerebisa sa salary schedule ng mga sibilyang empleyado ng gobyerno, Miyerkules.

Sa botong 187-5 na isinagawa sa pamamagitan ng nominal voting, pasado na sa ikatlo't huling pagdinig ng Kamara ang House Bill 5712 o Salary Standardization Law 5.

Pinamagatang "Modifying The Salary Schedule For Civilian Government Personnel And Authorizing The Grant Of Additional Benefits," layon nitong pataasin 

Dalawang araw pa lang ang nakalilipas nang aprubahan sa ikatlo't huling pagdinig ang counterpart nito sa Senado na Senate Bill 1219.

Dahil dito, epektibo ang dagdag sweldo ng mga government employees simula Enero 2020.

Sa kabila nito, hindi nito saklaw ang mga nagtratrabaho sa pamahalaan gaya ng:

  • militar at uniformed personnel
  • mga GOCC na saklaw ng Republic Act 10149
  • mga indibidwal na nasa ilalim ng mga job order, contracts of service, consultancy o service contracts na "walang employer-employee relationship"

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang sertipikahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas.

Show comments