^

Bansa

VAT sa mga resetang gamot pinatatanggal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
VAT sa mga resetang gamot pinatatanggal
Ayon kay Sen. Imee Marcos, malaking tulong kung tatanggalin ang tax sa mga inireresetang gamot lalo na at malabo pang maaprubahan ang panibagong Sin Tax Bill na magpopondo sa Universal Healthcare Law.
Michael Varcas/File

MANILA, Philippines — Binuhay sa Senado ang panukalang tanggalin ang value added tax (VAT) sa lahat ng mga prescriptive medicines.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, malaking tulong kung tatanggalin ang tax sa mga inireresetang gamot lalo na at malabo pang maaprubahan ang panibagong Sin Tax Bill na magpopondo sa Universal Healthcare Law.

Nagpahayag din nang pagkabahala si Marcos sa posibilidad na hindi ma-manage ng maayos ang pondo ng Department of Health (DOH) matapos ma-expired ang mga biniling gamot.

Naniniwala rin si Marcos na hindi maayos na napapatakbo ang PhilHealth sa kabila ng natatanggap na pondo mula sa sin tax.

“Ang puno’t dulo ng lahat ng taxation na ito na tataas ang presyo sa beer, alcohol, gin pati na rin sa sigarilyo, ecigar, ang puno’t dulo nito pinopondohan natin ang UHC, ngayon problema lahat tayo nadidismaya sa Department of Health kasi ang katotohanan ang PhilHealth is so badly managed,” ani Marcos.

Mas magiging ma­katotohanan aniya at mas mararamdaman ng mga mamamayan kung maiba­ba ang presyo ng gamot kapag wala ng VAT.

“Kasi nakita natin doon sa TRAIN na tinanggal ang VAT sa mga cholesterol, diabetes, hypertension eh okay naman wala namang nangyari. Hindi naman bumagsak ang langit, ayos naman eh, mataas pa nga ang koleksyon,” giit pa nito.

IMEE MARCOS

MICHAEL VARCAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with