^

Bansa

Duterte lilitisin na ng ICC!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte lilitisin na ng ICC!
Photos courtesy of the International Criminal Court show former president Rodrigo Duterte during his first in-person appearance before the tribunal since his arrest in March 2025. Photos / ICC | via Janvic Mateo
Photos / ICC | via Janvic Mateo

MANILA, Philippines — Ngayong Nobyembre 30, nakatakdang magsimula ang paglilitis kay dating Pangulong Rod­rigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Nauna nang sinabi ng ICC na inaasahang tatagal ang paglilitis hanggang Abril 2027.

Sa ngayon, si Duterte lamang ang akusadong nasa kustodiya ng ICC, bagama’t sinasabi ng prosekusyon na may iba pang sangkot sa kampanya kontra ilegal na droga ng kanyang admi­nistrasyon.

Pinangalanan ng ICC prosecutors ang walong umano’y “co-perpetrators” na tumulong kay Duterte sa pagpapatupad ng kanyang kampanya laban sa ilegal na droga.

Kabilang sa mga ito si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na dating naging hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ilunsad ang madugong war on drugs.

Kasama rin sa talaan sina Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, dating PNP chief Oscar Alba­yalde, retiradong police officer Vicente Danao, dating Davao police officer Isidro Lapeña, da­ting National Bureau of Investigation (NBI) director Dante Gierran, at ang namayapang dating PNP chief Camilo Cascolan.

Inaasahang babasahan si Duterte ng mga kasong crimes against humanity na kinumpirma ng korte noong Abril 23. Unang ilalahad ng prosekusyon ang kaso nito sa loob ng dalawang oras at 15 minuto. Isang oras at 30 minuto naman ang inilaan para sa mga kinatawan ng mga biktima.

Maglalaan din ng isang oras para sa kampo ni Duterte upang ihayag ang kanilang depensa bago simulan ang testimonya ng unang testigo ng prosekusyon.

Magkakaroon ng apat na sesyon bawat araw simula Nobyembre 30, mula alas-5 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi, oras sa Pilipinas. Pansamantalang ihihinto ang paglilitis sa Disyembre 18 para sa judicial recess.

Samantala, ang presentasyon ng ebidensiya ng prosekusyon ay nakatakdang isagawa sa tatlong bahagi sa 2027: ­Enero 12 hanggang Pebrero 19, Marso 1-24, at Abril 5-30.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with