Martial law sa Mindanao ‘di na palalawigin ni Duterte
MANILA, Philippines — Hindi na palalawigin ni Pangulong Duterte ang Martial Law sa rehiyon ng Mindanao.
“The Office of the President wishes to announce that President Rodrigo Roa Duterte will not extend martial law in Mindanao upon its expiration on
December 31, 2019,” pag-aanunsiyo ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa press briefing sa Malacañang kahapon.
Sinabi ni Panelo na ang pasya ng Pangulo ay base na rin sa naging rekomendasyon ng kaniyang Defense officials na nagbase naman sa bumabang
crime index sa rehiyon at pagbaba ng antas ng terorismo sa Mindanao.
Humina na rin aniya ang puwersa ng mga terorista dahil sa pagkakadakip at pagkasawi ng mga lider at miyembro ng mga ito.
Matatandaang isinailalim ni Duterte ang Mindanao sa Martial Law noong Mayo 23, 2017 matapos kubkubin ng ISIS-inspired Maute Group ang Marawi City.
Tatlong beses itong na-extend mula noon.
Una nang nagpahayag si Defense Sec. Delfin Lorenzana na wala na silang nakikita pang dahilan upang magkaroon ng martial law extension.
- Latest