^

Bansa

K-Grade 3 students dapat nakapokus lang sa reading, math, GMRC subjects – solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iminumungkahi ng isang kongresista sa Department of Education (DepEd) na huwag labis na kargahan ng subject ang mga estudyante ng kindergarten hanggang Grade 3, sa halip ay tu­mutok na lamang sa reading, mathematics at good manners and right conduct o GMRC.

Ayon kay Pasig Rep. Roman Romulo, chairman ng House Committee on Basic Education and Culture, simula noong Agosto ngayong taon, iminumungkahi na umano niya sa DepEd na bawasan ang bilang ng mga subjects sa Kindergarten hanggang Grade 3 para naka-focus lang sila sa basic.

Ito ay ang GMRC, mathematics at reading na dapat umanong tadtarin na dapat makapagbasa, matutong magbasa at makapag-comprehend Grade 1 pa lamang.

Ginawa ng kongre­sista ang pahayag matapos maitala ang Pilipinas na pinakamahina sa 79 bansa pagdating sa student reading comprehension base na rin sa resulta ng 2018 Program for International Student Assessment (PISA).

Paliwanag pa ni Romulo na ang resulta ng Pilipinas sa PISA noong 2018 ay hindi malayo sa resulta ng National Achievement Test (NAT) sa Grade 6 at Grade 10 students para sukatin ang kanilang competencies.

Kaya kung titingnan umano ang resulta o scores ay halos pareho naman at hindi malayo kahit na ang NAT ay sa Pilipinas lamang kaya hindi umano dapat bi­gatan ng iba-ibang subjects ang Grade 1-3 at basic lamang ang ibigay sa kanila.

Nangako na rin ang DepEd na magkakaroon ng agresibong reporma sa basic education system sa gitna ng nasabing mga ulat.

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOUSE COMMITTEE ON BASIC EDUCATION

PROGRAM FOR INTERNATIONAL STUDENT ASSESSMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with