MANILA, Philippines — Nagtataka si Pangulong Duterte kung saan ginamit ng mga organizers ang malaking pondo para sa 30th Southeast Asian Games.
Magugunita na iniutos ng Pangulo ang agarang imbestigasyon sa nangyaring kapalpakan at sinasabing anomalya sa paghahanda sa SEA Games.
“In the first place, where is the money? You should have had a group paid,” wika ng Pangulo.
Nainis ang Pangulo ng makarating sa kanya ang ulat na sinapit ng mga dayuhan manlalaro mula sa airport hanggang sa paghatid sa kanila sa hotel.
“To me personally, there was a lot of money poured into this activity now and I suppose that with that kind of money you can run things smoothly. Apparently siguro may mga palpak,” dagdag n’ya.
Ang organizer ng SEA Games ay ang Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na pinamumunuan bilang chair ni House Speaker Alan Peter Cayetano. Naniniwala naman ang Pangulo na hindi sangkot sa corruption si Speaker Cayetano.
Tiwala rin ang Pangulo sa iba pang lider ng Phisgoc na sina Chef de Mission William “Butch” Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino pero naniniwala siyang kinulang lamang talaga sa paghahanda.
Sa susunod ay plano niyang ipahawak na lamang bilang organizer sa military men ang katulad na sports meet na SEA Games.