^

Bansa

US singer sinopla ng Malacañang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Sinopla kahapon ng Palasyo ang US singer at actress na si Bette Midler matapos tawagin nitong kabilang sa world infamous dictator si Pangulong Duterte sa tweet nito.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang karapatan si Midler dahil wala itong kakayahan sa mga usaping may kinalaman sa mga dayuhang lider dahil wala siyang personal na kaalaman dito.

“Dapat itigil ni Midler ang isahang panig at mapanghusgang mga komento sa panloob na usapin ng ibang bansa lalo na kung ang impormasyon niya ay galing sa maling kuwento mula sa oposisyong pulitikal at ilang biased media outlet na ang adyenda ay siraan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ang kanyang administrasyon sa harap ng mundo,” dagdag ni Panelo.

Pinayuhan pa ng opisyal si Midler na unawain ang mismong lyrics ng kantang From a Distance na kanyang pinasikat noong 1990.

Tinutukoy ni Panelo ang kantang “From a Distance” ni Midler. ‘From a distance there is harmony & it echoes through the land. It’s the voice of hope. It’s the voice of peace. It’s the voice of every man. From a distance we are instruments Marching in common band Playing songs of hope, Playing songs of peace. They are the songs of every man,” giit pa ni Panelo.

Sa tweet ni Midler nitong Sabado ay isinama niya si Duterte sa listahan ng mga notorious world leaders.

“For Americans who think the impeachment hea­rings have nothing to do with them, think again. Want to leave the door open to a Hitler? A Stalin? A Castro? A Duterte? A Pol Pot? A Putin? An Assad? A Chavez? A Kim Jong Un? A Mussolini? A Mugabe? An Amin? #Trump’s the gateway to that,” wika ng singer sa tweet nito.  

BETTE MIDLER

US SINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with