Presyo ng hamon tumaas pa

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng hamon sa ilang pamilihan matapos pagbigyan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hiling ng mga manufacturer nito.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, tumaas ng 2 hanggang 11 porsiyento ang presyo ng mga tindang hamon, depende sa laki nito.

Humirit ang mga ma­nufacturer ng hamon sa DTI ng taas-presyo dahil sa pagmahal ng raw materials, ayon kay Lopez.

Tumaas naman ng P10 hanggang P30 ang presyo ng hamon, kum­para sa mga presyo noong nakaraang taon, base sa datos ng DTI.

Nasa P155 hanggang P189 ang 500 gramo ng hamon noong Oktubre 2019 mula P145 hanggang P169 noong Oktubre 2018.

Mula naman sa P270 hanggang P949 na pres­yo noong Oktubre 2019, naging P299 hanggang P1,025 na ang isang kilong hamon.

Wala namang nakita ang DTI na pagtaas sa presyo ng ibang Noche Buena products.

Show comments