Reclusion perpetua hatol sa apat na killer ng LRA exec
MANILA,Philippines — Hinatulan ni Tagaytay City Regional Trial Court Judge Jaime “Sharpshooter” Santiago ng reclusion perpetua ang apat na akusado sa pagpatay sa isang Land Registration Authority official sa isang ambush noong Hunyo 4, 2013 sa Tagaytay City.
Batay sa desisyon ni Santiago, reclusion perpetua ang parusang ipinataw kina Jun Villamor, Julius Capongol, Mark Anthony Villanueva at Arwin Bio dahil sa pagpatay kay Atty. Reynaldo Aquino, LRA registrar of deeds, habang pagkakakulong ng hanggang 17 years sa pagkasugat ng driver nitong si Edgar Estuista.
Pagkakakulong din ng hanggang anim na taon ang parusa ng apat dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Santiago, matibay ang testimonya ni PO1 Edwin Sytiao na nakita niya ang mga suspek na bumaril sa mga biktima na nasa loob ng sasakyan. Nasa isang restrawran lamang siya at susunduin ang kanyang misis nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril.
Ibinasura naman ni Santiago ang alibi ng ng mga suspek.
- Latest