‘Buwis sa junk foods itaas’
MANILA, Philippines — Sa halip na buwisan ang tuyo, daing at iba pang pagkain na ginamitan ng asin, inirekomenda ni Albay Rep. Joey Salceda na itaas na lamang ang buwis sa mga junk food na mataas din ang salt content.
Ayon kay Salceda, chairman ng House committee on Ways and Means, dapat maghinay-hinay ang Department of Health (DOH) sa panukala nito na buwisan ang tuyo, daing at mga produktong ginamitan ng asin.
Giit ni Salceda, bagamat kinikilala nila ang health warnings ng DOH at WHO ay dapat din isipin na ang hakbang ay magreresulta sa pagtaas ng presyo ng halos lahat ng pagkain.
Paliwanag pa ng kongresista na gumagawa ng batas sa pagbubuwis ang Kongreso upang madagdagan ang kita ng gobyerno at ibinabalanse ang magiging epekto nito sa publiko lalo na sa mga mahihirap.
Subalit sa panukalang buwis sa asin, ay isa umano sa unang tatamaan sa pagtataas ng presyo ang processed meat na ngayon ay namomroblema na dahil sa epekto ng African Swine Fever.
- Latest