^

Bansa

Bago mag-Undas, diskwento sa funeral services itinulak para sa mahihirap

James Relativo - Philstar.com
Bago mag-Undas, diskwento sa funeral services itinulak para sa mahihirap
Sa House Bill 5249 ng Bayan Muna party-list, nais bigyan ng 50% diskwento sa funeral services ang mga pamilyang "indigent" habang gagawin itong libre para sa mga "extremely poor." 
Interaksyon, File

MANILA, Philippines — Magastos mabuhay pero magastos ding mamatay — dahil diyan, nais ng ilang mambabatas na pagaanin ang pasanin ng mga mahihirap na Pilipino mula sa matataas na bayarin sa tuwing namamatayan.

Sa House Bill 5249 ng Bayan Muna party-list, nais bigyan ng 50% diskwento sa funeral services ang mga pamilyang "indigent" habang gagawin itong libre para sa mga "extremely poor." 

"Sa Pilipinas, singmahal na mabuhay ang mamatay. Ito'y dahil karamihan ng Pilipino ay nabubuhay sa kahirapan at namamatay nang baon sa utang hanggang sa dulo," sabi sa explanatory note ng panukala sa Inggles.

Sa Section 3 nito, isinalarawan ang mga "indigent family" bilang mga pamilyang kumikita ng minimum wage habang ituturing namang "extremely poor family" ang kumikita nang mas mababa pa sa minimum.

Pumapatak ng mula P500 hanggang P537 ang arawang kita ng minimum wage earner sa National Capital Region. Mas mababa pa ito sa mga ibang rehiyon.

Sa isang survey na ginawa ng UP School of Urban and Regional Planning noong 2005, lumalabas na aabot ng P25,000 ang karaniwang funeral service package.

Ang mga memorial lots naman sa pampubliko at pribadong sementeryo naman ay tinatayang aabot ng hanggang P50,000 kung isasama ang paparating na mga lease payments.

Sa mga serbisyong pang-funeral, madalas na kasama ang gastos sa paglilipat ng labi, kabaong, pag-eembalsamo, internment at kondukta mula simbahan patungong sementeryo.

"May mga pagkakataong lumalagpas ng isang linggo ang burol dahil kulang pa ang perang nakakalap dahil sa abuloy para maabot ang gastusing kailangang bayaran," patuloy ng Bayan Muna.

Paliwanag nila, 28 sa 100 pamilyang Pilipino, o 25 milyong Pinoy, ang nabubuhay sa mas mababa pa sa P50 kada araw noong 2012.

Dahil hindi na nga raw nila matugunan ang pang-araw-araw na gastusin, tanong nila, paano pa kapag namatayan? 

"Tungkulin ng estado na tumulong para sa kapakanan at seguridad ng mga mamamayan. Layon ng panukala na magbigay ng agarang relief sa mahihirap, lalo na sa panahong sila'y nawalan," patuloy nila.

Una itong inihain noong 15th Congress ngunit hindi pa rin naisasabatas magpahanggang sa ngayon. 

Ang HB 5249 ay inihain nina Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat.

Paano ito maa-avail?

Kung maisasabatas, kakailanganing magpakita ng mga sumusunod na dokumento para magamit ang diskwento o libreng serbisyo:

  • death certificate
  • funeral contract
  • certificate na magpapatunay na "indigent" o "extremely poor" ang namatay

Maaari raw kunin ang certificate na nabanggit sa itaas mula sa baranggay o lokal na social welfare offices ng lokal na pamahalaan, o mula sa Department of Social Welfare and Development offices.

Sa kabila nito, hindi naman daw magiging requirement ang certification bago magamit ang serbisyo ng funeral homes.

Punerarya, paano kikita?

Wala naman daw dapat ikabahala ang mga punerarya oras na maisabatas ito.

Ang mga funeral homes daw kasi, na magbibigay ng diskwento o libreng serbisyo sa mahihirap, ay maaaring mag-reimburse ng bayad mula sa anumang regional office ng DSWD oras na maaprubahan ng regional director.

Pwede rin daw itong i-"convert" bilang tax credits.

Ang perang kakailanganin para sa panukalang batas ay kukunin mula sa alokasyong ilalaan sa General Appropriations Act ng DSWD.

BAYAN MUNA PARTY-LIST

FUNERAL SERVICES

INDIGENT

POVERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with