Ex-Senate Pres. Nene Pimentel inilibing na
MANILA, Philippines — Inihatid na sa kanyang huling hantungan si dating Senate Pres. Aquilino “Nene” Pimentel Jr. sa Heritage Memorial Park, Taguig City.
Binigyan ng military honors at thee-volleys-over-fire salute ng Philippine Army Security si Pimentel bago ito ilibing kahapon.
Alas-9 ng umaga ng magkaroon ng huling misa.
Hindi napigilan ng maybahay ng dating senador na si Gng. Lourdes at mga anak na bumuhos ang kanilang luha nang ipaabot ang huling paalam at isara ang kabaong ng dating senador na nagsulong ng Local Government Code.
Bukod sa mga tagasuporta at kaibigan, nagbigay rin ng huling pagpupugay kay Pimentel ang kanyang mga dating kasamahan sa trabaho.
Pumanaw si Pimentel noong Linggo, October 20 sa edad na 85 dahil sa lymphoma at pneumonia.
- Latest