Anak ni Go top 3 sa CPA exam

MANILA,Philippines — Ipinagmalaki kahapon ni Sen. Bong Go na top 3 ang kanyang anak sa katatapos na Certified Public Accountants (CPA) Licensure Exams.

Ayon kay Go, “very proud” siya sa kanyang anak na si Christian Lawrence Go lalo pa’t pareho silang naging “top 3” kung saan siya naman ay sa nakaraang senatorial elections.

Sinabi ni Go na nagbunga rin ang sakripisyo ng kanyang anak matapos ang ilang taong pag-aaral.

Natutuwa rin si Go na may bago na namang mga public accountants sa bansa.

Ang anak ni Go ay nakakuha ng 89.50 score at nagtapos na summa cum laude sa De La Salle University-Manila.

Show comments