Fraud sa PUV modernization ibinunyag ng transport group

MANILA,Philippines — Ibinunyag ng grupong Alliance of Concern Transport Organization  (ACTO) na ginagawang  investment scam umano ang  proyekto ng gobyerno na PUV modernization program.

Sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Efren De Luna, National President ng ACTO , na pinapasok na ng oligarkiya ang transport sector kaya dapat itong maimbestigahan. 

Sabi pa ni De Luna na may isang yellow DOT Transport Terminal Inc. na naniningil ngayon ng P250K kada operator para mapasama sa isang kooperatiba at magkaroon ng isang modernong jeep.

Kinukuwestiyon din ni De Luna kung bakit sila pinipilit na sumama  sa korporasyon na hindi naman kaya ng mga operator. 

Pakiusap niya na huwag nang   kunin ang kanilang prangkisa  at sila naman ay susunod sa modernisasyon kung saan aalisin ang mga lumang sasakyan at bibili ng bago. 

Ang consolidation ay unang bahagi ng transport modernization prog­ram kung saan isusurender ng isang individual operator ang kanyang prangkisa at bubuo ng kooperatiba o korpo­rasyon na siyang kokontrol sa mga bagong unit. 

Batay sa timeline ng DOTR-LTFRB  ay hanggang July 2020 na lamang at wala nang bibiyahe pang mga lumang jeep sa buong bansa.

Sinabi ni De Luna na  magsasagawa sila ng kilos protesta bukas  sa harap mismo ng tanggapan ng DOTR. 

Show comments