Pasig River ferry system giit palakasin

Nakikita ni Angara na isang alternatibo ng mga commuters ang pagsakay sa Pasig River ferry habang hindi pa tapos ang Skyway Extension, MRT and LRT line expansions at rehabilitation ng Philippine National Railways.
File

MANILA,Philippines — Iminungkahi ni Sen. Sonny Angara na palakasin ang Pasig River ferry system upang makatulong sa sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Nakikita ni Angara na isang alternatibo ng mga commuters ang pagsakay sa Pasig River ferry habang hindi pa tapos ang Skyway Extension, MRT and LRT line expansions at rehabilitation ng Philippine National Railways.

“Unlike the road infrastructure, which entails massive disruptions to traffic and other issues such as road right of way, the Pasig River ferry project simply involves constructing or refurbishing the stations and purchasing the vessels,” wika ni Angara.

“Of course some dredging has to be done to ensure the ferries will be able to traverse the entire stretch of the Pasig River without issue, but I’m confident the Department of Public Works and Highways has the capability to do this,” dagdag nito.

Sa ngayon ay may 14 ferry stations sa kahabaan ng Pasig River pero 11 lamang ang operational. 

“The ferry line can carry passengers from Pasig to Mandaluyong, Makati and Manila. Nine passengers boats are operational at present, which run twice daily,” paliwanag pa niya.

Show comments