Atty. Gadon sinuspinde ng SC

Sa pagmumura, pagsasalita ng malalaswa

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng 3 buwan ng Korte Suprema si Atty. Larry Gadon dahil sa paggamit ng mga mapang-abuso o offensive na lengguwahe sa kanyang pag-akto bilang abogado.

Sa resolusyon ng SC 2nd Di­vision, nilabag umano ni Gadon ang 8.01, Canon 8 ng Code of Professional Responsibility.

Naglabas din ang SC ng babala kay Gadon na kung uulit ito ay maaari syang pa­tawan ng mas mabigat na pa­rusa.

Nag-ugat ito sa dis­bar­ment case na inihain ng dermatologist na si Helen Jose­lina Mendoza laban kay Gadon noong 2009.

Tinawag umanong ‘very stupid’ ni Gadon ang mga liham ni Mendoza at sinabi pang aabutin ng 10 taon ang paghahain ng legal suit.

Para sa SC, mali ang gi­nawa ni Gadon dahil maituturing na hinahamon nito ang judicial system.

“Atty. Gadon’s remarks about the slow justice system and insinuations that cases are won based on abun­dance of resources, tramp the integrity and dignity of the legal profession and the judicial system, and adverse­ly reflect on his fitness to prac­­tice law,” pahayag ng SC.

Giit naman ni Gadon, maghahain siya ng motion for reconsideration sa SC.

Si Gadon ang abogado ni Peter “Bikoy” Advincula at nanguna sa impeach­ment case laban sa napatal­sik na si dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Show comments