Sunog naitala malapit sa LRT-2 Katipunan station; operasyon suspendido
MANILA, Philippines — Bago magtanghali, muling naitigil ang pagtakbo ng mga tren ng Manila Light Rail Transit System Line 2 ngayong Huwebes kasunod ng nangyaring sunog sa kanilang linya.
Bandang 11:24 a.m. nang suspindihin ng Light Rail Transit Authority ang operasyon ng linya.
"The fire that was seen along the carriageway between Anonas & Katipunan stations was caused by the tripping off of Rectifier Substation (RSS) 5 located at Katipunan station," ayon sa pamunuan ng LRT-2.
UPDATE: The fire that was seen along the carriageway between Anonas & Katipunan stations was caused by the tripping off of Rectifier Substation (RSS) 5 located at Katipunan station.
— LRT2 (@OfficialLRTA) October 3, 2019
As of writing, the cause of this incident is still being investigated upon.
Magpahanggang sa ngayon, iniimbestigahan pa raw ang puno't dulo ng nangyari.
Kinumpirma rin ng LRTA na naapula na ang sunog sa ngayon: "[A]s of writing, said fire has been contained."
Humingi naman sila ng paumanhin sa lahat ng naabala ng insidente.
LOOK: Firefighters attended to a fire that broke out at LRT-2 near Katipunan Station on Thursday. Train operations temporarily stopped due to the incident. (Photos by RAHA Volunteers Fire Department and Kian Charles Espedido) pic.twitter.com/fisYwstQSp
— The Philippine Star (@PhilippineStar) October 3, 2019
Matatandaang naperwisyo rin ng parehong linya ang mga komyuter kahapon nang huminto ang operasyon nito Miyerkules ng umaga, kasunod ng aberyang dinanas ng Manila Metro Rail Transit System Line 3.
Samantala, isinara rin kanina ang Balintawak at Roosevelt stations ng LRT-1 dahil sa dinadanas na "mechanical issues."
Update as of 835AM: Our Balintawak and Roosevelt stations will be closed until further notice due to extended servicing needed for the mechanical issue we encountered this morning. We request our passengers to have an alternative plan.
— LRT-1 (@officialLRT1) October 3, 2019
Kumpara sa MRT-3 at LRT-1, na parehong pribadong kumpanya ang nagmamay-ari, kapansin-pansin na mas kaonti ang naitatalang pagkasira ng LRT-2.
Nangyayari ang lahat ng ito kasabay ng pagdinig ng Senate Finance Committee sa panukalang budget ng Department of Transportation ngayong araw.
- Latest