Bagyong Marilyn nagbabanta

Alas-11 ng umaga kahapon, namataan ang bagyo sa labas ng PAR na nasa layong 1,495 kilometro silangan ng Visayas at patuloy ang pagkilos pa-silangan hilagang silangan sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
PAGASA

MANILA, Philippines – Isang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nagbabantang pumasok sa bansa bukas na tatawaging “Marilyn”.

Alas-11 ng umaga kahapon, namataan ang bagyo sa labas ng PAR na nasa layong 1,495 kilometro silangan ng Visayas at patuloy ang pagkilos pa-silangan hilagang silangan sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 55kph at pagbugso na 70kph.

Inaasahan na ang maulang weekend sa bansa dulot ng bagyo.

 

Show comments