Burukrasya, red tape natuldukan sa Malasakit Center - Bong Go

MANILA, Philippines – Natuldukan sa pagtatayo ng Malasakit Center ang burukrasya at red tape sa paghingi ng tulong sa gobyerno ng mga mahihirap na Pilipino sa kanilang pagpapagamot.

Ayon kay Sen. Bong Go, dati-rati ay napakaraming ‘forms’ at requirements ang kailangang sagutin at dalhin para makahingi ng kapiranggot na medical assistance sa gobyerno.

Sinabi ni Go, nakita niya at ni Pangulong Duterte ang ugat ng problema kaya itinatag nila noong 2017 ang Malasakit Center na isang ‘one stop shop’ upang padaliin at pabilisin ang pagbibigay ng tulong sa mga kapuspalad na nangangailangan.  

Anya, hindi dapat pahirapan pa ang isang Pilipino sa paghingi na ayudang medikal dahil pera naman ng taong bayan ang ibinabalik sa kanila ng pamahalaan. 

Pahayag pa ni Go, ang Malasakit Center ay walang hinihinging requirements o pasasagutang mga forms, at walang pinipili kung ikaw ay pro o anti-Duterte.

“Basta ang mahalaga ikaw ay Pilipino, sapat na requirement yun para ikaw ay tulungan sa Malasakit Center ” dagdag pa ng senador.

 

Show comments