MANILA, Philippines – Commission upang mai-promote at maprotektahan ang kapakanan ng nasabing hanay.
Siniguro din ni Sen. Go na suportado ni Pangulong Duterte ang LGBTQ community matapos makipagpulong ito sa LGBTQ advocates sa Malacañang.
Si Sen. Go ang namagitan upang makipagpulong ang LGBTQ advocates sa pangunguna ni Boobsie Savares kasama si 1st District of Bataan Rep. Geraldine Roman at Gretchen Diez, ang transwoman na pinagbawalang gumamit ng female CR sa isang mall sa Quezon City.
Ipinabatid ng Pangulo sa nasabing sector na isusulong nito sa Kongreso na maaprubahan ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill na magbibigay proteksyon sa karapatan ng bawat indibidwal na walang diskriminasyon.
Kabilang din sa napag-usapan ang panukalang bumuo ng isang commission para sa LGBTQ habang hindi pa nakakapasa ang SOGIE law.
Pabor din ang Pangulo na magkaroon ng 3rd CR na para lamang sa mga LGBTQ community upang hindi na maulit ang nangyari kay Diez.
“We are all equal under the law and it is our duty in this institution to ensure that all Filipinos—regardless of their age, sex, religion, ethnicity or gender orientation—are treated equally and justly,” wika ni Go. Rudy Andal