MANILA, Philippines — Iginiit ng Malacañang na mahalagang malaman ang rason kung bakit dumaraan sa Sibutu Strait ang mga barkong pandigma ng China.
Una nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na nakakainis na umano ang naturang hakbang ng mga Chinese vessels.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, mahalagang mabatid ang dahilan ng pagdaan ng Chinese warships sa nasabing teritoryo ng Pilipinas.
“We want to know bakit sila doon dumadaan,” wika ni Panelo.
Hindi naman tiyak ng opisyal kung magiging bahagi ba ang nasabing isyu sa magiging pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ngayong buwan.
Gayunman, sinabi ni Panelo na importante pa rin itong matalakay ng dalawang lider upang malaman ang puno’t dulo ng pagdaan ng mga barkong pandigma ng Tsina sa nabanggit na lugar.
“That’s the call of the President, whatever issue he wants to take with the President Xi,” wika ni Panelo.
“But I suppose taking that up will also be important because, as Mr. Lorenzana said…the incident has been repeatedly done and, therefore, it is becoming an irritant, and we have to know exactly why they’re passing through that straight when the shortest route going to China can be done on a different route,” dagdag nito.
Una nang nagpahayag ng kanilang pagkabahala ang Malacañang ukol sa report mula sa militar na limang Chinese warships ang naglayag sa Sibutu Strait nang walang paalam.